Sabi nga ng isang upcoming movie:
"Love is a battlefield. Everyone fights. No one surrenders."
Then shempre may kadugtong pa yan na hinde na related sa topic ko.
Pero nakuha na nya ung gist.
Less complicated lang kasi walang may kasal.
Tinanong ko sa kaibigan ko kung may karapatan ba ang mga "other party"
Ung tipong alam nman nila pero sumige pa rin.
Sabi nila wala. (as if hinde ko naisip na isasagot nila un?)
Gaya ng prediction ko sa pelikulang ito.
Pustahan, pipiliin nya ung tama. Ung dapat gawin. Ung mas magandang example sa mga bata. Ung hinde magagalit ang simbahan or kung sino mang mas nakakatanda.
Kasi yun siguro ang dapat nating makita.
Kasi yun ang aral na dapat nating matutunan.
Di ko naman masisi ang gusto nila dahil ganito tayo lumaki.
Hinde ko rin nman pwede sabihin na mali.
Pero para sa'kn.
Sana kung ganun lang din naman ang punto ng pelikula.
Bakit pa natin ginawa? Eh matagal na natin alam yun.
Gusto kong isipin na may mas malaking gusto sabihin ang mga ganyang palabas.
Gusto kong isipin na kaya nating ipakita yun at intindihin.
Gusto kong isipin na may karapatan ang mga "other party".
Karapatan para lumaban pero hinde manira.
Karapatan para maipakita niya ang nararamdaman niya ng walang kapalit.
Karapatan para piliin din kahit hinde sya piliin.
Sabihin na nating mali kasi hinde nman tlga sya tama.
Sa akin hindi nman nya kasalanan yun.
Ayoko man sabihin, pero nagmahal lang siya.
Oo, bordering sya sa pagiging martir.
Minsan iisipin mong kalokohan na yan!
Sa dinadami ng isda sa dagat, bakit nga ba hindi ka pumili ng iba?
Bakit ba hinde ka nakinig nung sinabi sayo na.. Not available po un.
"Because we don't choose the people we love."
Madalas ko ito naririnig. Again, sa mga pelikula.
Hindi nga nman natin sila pinili.
Kasi kung oo, walang challenge.
May mga taong dadating sa buhay natin ng ganun na lng.
May mga bagay na hinde natin kaya pigilan.
May mga bagay na nangyayari na hinde naman natin alam kung bakit.
May mga mararamdaman tayo na hinde naman natin dapat maramdaman.
Tapos mananadya yung tadhana.
At wala na tayong magawa.
Kaya sa ganitong labanan.
Ano pa nga ba kundi...
Fight!
Mahirap makipagtalo sa puso kasi wala naman yang bibig.