hindi ko alam kung anong meron sa araw na 'to. pero kanina ko pa gusto umiyak. feeling ko kailangan ko lang magbawas ng lungkot. ok naman ako. nakapagtrabaho naman ako. may ilang bagay lang akong tinatamad gawin pero in general tingin ko ok nman ako. distracted? oo. pero ok ako.
inamats ko kanina yung mga kanta sa isang palabas na pinapanuod ko. gusto ko talagang umiyak. hinanap ko yung mga kanta kahit na luma na tumatagos talaga pero wala. merong muntik na pero hindi tumuloy. runner-up. play ko on-repeat.
naligo. nagkape. binalikan ko ung mga paboritong kong "iyakan pelikula" pero ayaw. walang luha. hanggang sa naalala ko ung isa sa mga recent na pinanuod namin. magaling akong mgresearch kaya tada! nakita ko and tama ako. ito na yun. 10 mins na iyakan.
(sa upuan)
J: Salamat!
C: Para sa?
J: Alam mo yung ano? Yung pakiramamdam na tingin ka lang sa kawalan. Pero hindi mo alam yung dapat mong maramdaman? Hinahanap mo dun yung damdamin. Kasi alam mo na pag nahanap mo na yun. Dun manggaling lahat. Lahat ng kaya mong gawin. Lahat ng imposible magiging posible. Dumating ka Celeste. Salamat!
C: Saan nga?
J: Kasi andito ka.
C: Tsk. Pina-iyak mo ko eh. Bakit ako umiiyak? Bat ako umiiyak? Sabi inom tayo eh. Bakit mo ko pina-iyak? I think we're drunk.
(sa kotse)
J: Alam mo pag matanda na ko. Yung uugod-ugod na. Tapos sana di pa ulyanin. Itong gabing to yung babalik-balikan ko. Tapos iisipin ko lang na.. Bakit kaya hindi kita, Bakit hindi kita nahalikan?
C: Gusto mo pa ko halikan? Nainlove ka na ba? Yung true love ha. Yung tipong hindi mo alam ung gagawin mo. Hindi mo alam kung ano yung nararamdaman mo. Tapos hindi ka makahinga, pag naiisip mo ung tao, babagsak yung tyan mo. Alam mo yun?
C: Tapos hindi mo alam kung anong kaya mong gawin kasi natatakot ka eh. Pero at the same time gusto mo gawin lahat. Kasi nga inlove ka. Naramdaman mo no ba yun? Ako ah gusto ko sana.. sa lifetime ko. Gusto ko mainlove ng ganun.
(huminto)
:-*
C: Sobrang perfect naman tong moment na to! Wag natin sirain to. Celeste and Jesse forever and ever. Taxi!
andaming dahilan bakit nakakaiyak tong eksena na to para skin. andami. nakaka-asar! may ilang eksena pa na susunod pero di gaya nito.
habang umiiyak ako. may nagtext. yung kaibigan ko, may good news sya sa buhay nya. di ko muna sya nireplyan kasi asa moment ako pero masaya nman ako para sa kanya. masaya nman ako lagi para sa mga kaibigan ko sa ganap ng buhay nila or actually kahit sa kanino na nakikita ko na nagiging masaya. yung mga talent show na nabibigyan ng golden buzzer, naiiyak ako dun. minsan alam mo na yun yung kailangan nila eh. yung moment na yun, kaya pag nakita mo na nakuha nila.. yung saya nagiging nakakaiyak. di ka makapaniwala. di mo mapaliwanag yung nararamdaman mong saya.. at alam mo sa moment na yun, wala ka ng hinahanap pa.
si Celeste and Jesse, walang happy ending. di ko gusto maging mag-isa sa nararating ko. hindi rin naman ako ngrereklamo. tao lang din, mas gusto ko ng may kasama, kung meron.
anyway... sabi ng text ng kaibigan ko: Reg, kapit lang.
sabi ko: Kelan tayo mag cecelebrate?
si Celeste and Jesse, walang happy ending. di ko gusto maging mag-isa sa nararating ko. hindi rin naman ako ngrereklamo. tao lang din, mas gusto ko ng may kasama, kung meron.
anyway... sabi ng text ng kaibigan ko: Reg, kapit lang.
sabi ko: Kelan tayo mag cecelebrate?