Sunday, July 15, 2012

TNL

Ang Tunay Na Lalake
mula kay Regina

(haha)
Una, gusto kong magpasalamat sa mga kaibigan kong lalake.
Madami sila at maswerte ako dun.
May mga single, merong may girlfriend, meron ding may asawa.
Kung kailangan mamili, mas pipiliin ko ang kaibigang lalake.
Bakit? Kasi kahit anong pareho namin magkaiba pa rin kami.
Parang instant source ng kodigo sa exam.
Kahit madalas naman magbago ang mga tanong, at least pasang-awa minsan.
Mas masaya ang kwentuhan kahit umiiyak ka na.
By default, nakakahanap ako ng kakampi.
Kaya ang Tunay Na Lalake, ay isang kaibigang maasahan.

Pangalawa, salamat sa tatay ko.
Isang larawan ng pagiging maabilidad at madiskarte sa buhay.
Siguro mahirap pumili ng isang kwento para isample
Secret na namin yun.
May pagka-comedy din sya.
Minsan matigas din talaga ang ulo nya.
Minsan nag-aaway rin kami.
May mga bagay din nman na ayaw ko sa kanya at sadyang nakakapikon.
Magka-ugali nga daw kami.
Pero lab ko yan!
Lagi nman nandyan si "Senior".
Yang mamang di bigote at malaking tiyan na yan.
Kaya ang Tunay Na Lalake, ay isang maaasahang Ama.

Pangatlo, salamat din sa mga lalakeng hinangaan, hinahangaan at hahangaan ko.
(mga individual na hindi na kailangan pangalanan)
Dahil sa contribution nyong inspirasyon.
Sa mga natutunan kong bago.
Sa drama ng tunay na buhay.
Sa mga pangarap.
Sa moments.
Sa pagiging kaibigan, tatay at special all at the same time.
Magaling mga Papi!
Wag na masyado isipin sina Papa P. at yung sikat ngayon na si Channing Tatum.
(pero crush ko pa rin sila)
You're fine.
Maswerte nga ako sa inyo
Pero shempre mas maswerte kayo sa'kin. ;)
Kaya ang Tunay Na Lalake, may bilib sa sarili at isang maasahan na inspirasyon sa buhay
and hopefully, isang araw habang-buhay.




No comments: