Ang pakiramdam ko ngayon ay..
parang Abangan ang Susunod na Kabanata
Minsan kasi...
May mga events ka sa buhay na sana sa ganitong panahon siya mangyari,
sa ganitong sitwasyon or or
events sa buhay na gusto mo mangyari na, agad agad! Now or never!
Para matapos na at makapag-move-on ka sa kung ano mang next event ng buhay
kesa magtagal ka sa current event mo at may maihirit pa sya syo na di mo matangihan.
In short, shempre gusto natin laging may mangyari
Yung tanong na kelan, minsan kaya mo naman sagutin.
Then may tanong pa na paano?
Minsan kailangan din ng ibang tao para sa kabuuan ng sagot
Dahil kahit san mo pa daanin, ang hirap mag-intay
Pero ok lang yun, basta ba may dadating.
Kaso sabi nga sa movie, "Hindi dahil gusto mo makukuha mo."
Sa totoong buhay talaga mas maraming pwedeng mangyari na di ayon syo
vs. dun sa isang chance na aayon syo na dapat may celebration
Anyway, san ba galing tong sinasabi ko?
Ang point is may time na kailangan natin magreact sa mga event ng buhay
na mas mabilis kesa sa nakasanayan,
gawin ang mga bagay ng ibang strategy naman,
kumunsulta this time sa unang decision making body ng tao
malay mo, mag-work.
So, sana maging ok naman ang lahat.
No comments:
Post a Comment