mahilig akong maglakad (nasabi ko na ba yun?)
narealize ko 3:30 na at wala pa kong nagagawa sa opisina
mukang madami akong ginagawa pero yung dapat ko tlga gawin... hehe.
so naglakad-lakad ako
bakit nga kaya tumatahimik ang mga tao sa elevator? pero hindi rin e. haha.
suki tlga ang 8th floor
amoy gym
natutuwa ako pag may nakikita kong mas maliit sa'kin
ito na nman.
naharang na nman ako tungkol sa job offer.
either muka akong fresh grad or muka akong walang trabaho.
minsan ang hirap datnan ng sipag
pag gusto mo na gumawa
makakaramdam ka ng gutom
tapos makikipagkwentuhan ka
after, magiinternet ka
then mya-mya aantukin ka na kung kelan andyan na si boss
shempre kunwari hindi
pero after ng 2 kape, inaantok ka pa rin.
itong si kuya ng bangko, paborito ko. haha.
mas napapangiti ka pag napangiti mo yung iba
at least alam mong
nagiging effective ka na mamamayan ng Pilipinas.
iba na manamit ngayon ang mga tao noh
hindi na kasing simple
ako na lang ang ata ang hindi maka-letgo sa mga luma kong damit
(kasalanan ko ba na kasya pa sila)
or ako na lang ang bumibili sa divisoria
konti pa rin ang mga tunay na lalake na naka-bitin pants
dati, gusto ko rin magwork sa bangko at maging teller dahil sa uniform.
next please.
No comments:
Post a Comment