Saturday, December 18, 2010

D-day

6 hours ago, D-day natin.
Hinde nga lang ako nagsabi ng diretso.
Pero sana naramdaman mo naman nung inakap kita. (sabi mo kasi, malamig. haha)
Habang nag-uusap tayo hanggang umaga
sa isang gasoline station
sa loob ng kotse
sa tapat ng 7-11.
Habang kumakanta ka ng Beatles
at ngkkwento tungkol sa kanila.
Habang masaya akong nakikinig at
nagcocomment sa mga pangarap mo
at mga nakalagay sa notebook.
Excited ako, at sana magawa ko kahit isa dun kasama ka.
Miss na miss kita. Grabe!!!
Baka matagal pa bago maulit or hinde na.
Buti na lang nagawa natin to.
Thanks sir. :D
Sana masaya ka kanina.

No comments: