sa pagsasalita pa lang
tuwang-tuwa na ko kay Mang Reynaldo de Guzman
mapapa-smile ka nya agad
nagbebenta sya ng rosas
dun sya masaya
kinwento nya pano sya nagsimula
pano nya nakilala ang misis nyang si anabelle
at pano sya sinagot
kinuwento nya pano nya binuhay ang pamilya nya sa pangiti-ngiti
at pag-alok ng mga bulaklak sa kalye
pano nya unti-unting binuo ang bahay nila
maliit man, nareremedyuhan din
napag-aral nya yung mga anak nya
at nagawa nyang mapagtapos
pinakita nya na simple man ang buhay nakakaraos din
importanteng mahal mo yung trabaho mo
at maabilidad
at laging may pangarap
actually, ilang beses ko na napanuod ang storya ni Mang Rey.
masaya syang ulit-ulitin.
No comments:
Post a Comment