Tuesday, February 18, 2014

starting over again

ok before i mention ang moral lessons sa story... i just realized na nakangiti ako the whole movie. iba ka tlga papa p. (haha) 

in fairness to me, alam ko na tong mga moral lessons na to. na-joross ko na to. 

Pag may tiyaga, minsan may nilaga.
- Minsan nakukuha ang lahat sa persistence. Minsan hindi. Minsan nakukuha sa kulit. Minsan makukuha mo sa dasal. So kung sinigang man ang maihain, kainin mo pa rin. Para pag dumating ung nilaga. Merry Christmas!!!

We all deserved an acceptable reason.
- kahit lame, kahit mahirap, kahit pangit kailangan mong ibigay yun. required yun eh. kung di mo maisip, isipin mo na. kung di mo masabi, isulat mo. walang valid excuse. 

I will never loose hope.
- Ok lang naman maghope. Kailangan mo yun. Tama nakakabawas sya ng sakit. Pero gaya nga ng drugs, nakaka-adik sya. Masayang balikan lahat ng masasayang moments and ireplay sya sa utak mo pero syo na lng bka ayaw nya ng rerun. Gawin mo lahat, trabahuhin and bigyan mo ng oras, basta lahat lng ng pwede at tama. Wag msyadong matapang sa persistance dapat may respeto din lalo na kung wala ka namang capital K. Wala man nasulat na rules sa papel pero meron yan. And kung sa kabila ng lahat nun eh wala tlga... ganun tlga eh.

Don't you think our love deserves a second chance? another ending? Kailangan ko malaman bakit nagkita kami ulit.
- Di lahat nabibigyan ng chance na yan. May love story na walang sequel, dapat alam mo yun. Minsan antagal iniintay yang chance na yan. Kung ikaw ung mali, wag ka humingi ng explanation, wag ka mayabang sa second chance mo. Bigay ka ng sorry at ng acceptable reason. Pra dun yung second chance kung meron pang continution ang story nyo eh di good for you. Ang dahilan bat kayo nagkita ulit? Friends or happy ending, kung alin man dun, ok yun. Wag mo ipilit. Hindi lang ikaw ang writer sa love story nyo.

You need to be fair.
- Kapag dumating ang second chances, kailangan mo magdecide. Walang ibang pwedeng magdecide bukod syo. Walang tama o maling sagot. Ikaw lang nakaka-alam nyan. Umulit ka man o hindi dapat dun ka sa masaya ka. 

How do i unlove you?
- You can't. Pag minahal mo na ung isang tao di mo na mababawi yun. Di mo na yun madedelete. Minsan akala mo wala na sya sa buhay mo pero hindi pala. Hindi mo sya ma-uunlove pero ilolove mo sya ng ibang way and for sure one day may ilolove kang higit sa kanya. You'll be ok. 







No comments: