Sunday, April 13, 2014

sampaguita

Minsan gusto ko sana pakyawin yung sampaguita na binibenta ni ate.
Matanda na kasi sya.
Mukang nagkasakit din sya recently, anlaki ng pinayat nya.
Hindi na sya ngayon pantay maglakad.
Mukang hirap sya pero mukang masaya pa rin nman sya sa pagtitinda.
May hawak hawak syang isang baso ng kape kanina habang nakatayo sa pintuan ng simbahan.
Mabait nga sya, shinashare nya pa yung kape sa ibang ngtitinda.
Inisip ko kung mgkano kaya ang kinikita nya dun, sana malaki-laki.
Para sakin mas maganda yung mga sampaguita nya kesa dun sa ibang nagtitinda.
Paminsan-minsan maglalakad sya papunta sa isang timba para basain yung sampaguita nya.
May 2 set ng sampaguita sya na hawak, isa sa kaliwa. isa sa kanan.
Ang isang set, isang supot.
Hihiwa-hiwalayin nya yung paglabas sa supot.
Tapos, pupwesto at babalik ulit.


No comments: