Friday, June 01, 2018

dear aya

Hello! Gusto ko lang sabihin sayo na ang galing mo! Alam mo tama ka.. minsan ang hirap mahalin lahat ng taong dapat mo mahalin. Magulang mo, kapatid mo, pamilya mo, mga kaibigan mo.. minsan nakakapagod. May trabaho ka pa.. wala na halos natitira sayo. Nakakapagod na minsan ang dali mo lang maiyak. Pero kakayanin mo.. kahit mag-isa ka. Game! 

Idol din kita eh.. parehas tyo. Parehas natin minahal yung taong sabi natin di natin mamahalin... pero sabi mo nga.. malaki na tyo alam na natin yung ginagawa natin kaya... sige okay lang. gaya ko... nasaktan ka. Ikaw, umalis. Ako, steady lang. umiwas. Ang tapang mo nung nagkita kayo ulit ni Sid. Maswerte ka nga inayos nya yung buhay nya, natagalan pero hinanap ka nya. At least.. nalaman mo. At least.. napasaya ka nya ulit. At least mahal ka din pala nya. 

Siguro dun tayo nagkaiba.. hindi ko nalaman kung ano kami. hindi ko nalaman kung anong naramdaman nya. hindi ko nalaman kung masaya ba sya pag magkausap kami. Siguro kasi hindi ko tlga tinanong or kasi inassume ko yung sagot. Kala ko enough ako para one day baka marealize nya ako yung kailangan nya. Tumaya ako. Tumaya tayo. Mas malaking taya yun kung hindi love.. d ba sabi mo? pero hindi eh... hindi si Sid si Christian. Natalo ko. 

Nakakabilib ka nung andyan na sya pero pinili mo pa rin yung iba mga taong dapat mong mahalin. Hindi ko alam kung anong iniisip mo nun.. tingin ko, hindi ko kaya yun. Feeling ko.. kung ako yun... deserve ko naman siguro maging masaya. Ako naman universe. Para skin naman. K! Thanks! Bye! Alam mo kasi Aya.. asa pelikula ka kasi. kahit pano binigyan ka pa rin ng happy ending ni direk. 

Sa totoong buhay.... kung ano mang pagkakataon na meron ka para sumaya.. sasamantalahin ko. kahit sandali lang. kahit saglit lang. Yun ang pagtaya sa love, kahit talo ka. Tataya ka. 

No comments: