Friday, April 19, 2013

yolo

you only leave once

sa tingin ko impossible naman na makapagprepare ka na mawala sa mundong ibabaw.

minsan napaguusapan naman at nakakapagbilin sa ilang kaibigan pero hindi pa rin.
kahit pa sabihin mong alam mo, hindi rin.
kahit pa sabihin mong di ka takot, hindi rin.

so, since hindi natin tlga alam kelan ang takdang panahon

dapat...

ingat.

pwedeng kaya mo mamatay pero shempre baka ikaw lang yun. dapat best effort. dapat isipin natin yung iiwan natin. cguro naman may tamang nagawa tyo na pag nawala ka, may malulungkot at hahanapin ka. kawawa naman sila. hindi rin naman natin gugustuhin yun pra sa knila d b? wag natin gawing mahirap. ikaw ng mawawala, yung masakit pa?! oo, hindi naman natin kaya pigilan ang mga bagay-bagay at hindi natin sila maaalagaan or mapprotektahan dun, pero pwede natin subukan. :)

- bawal mamatay kung san malalasog ang mga katawan, kadiri. traumatic. so, kailangan maging maingat sa pagddrive. wag mag-momotor. :)

- bawal mamatay sa tubig. (lalo na ako, maliit lng ako. sandali lang mapupuno ako ng tubig) ang panget.

- bawal mamatay sa sunog, baka hindi ka na nila makilala.

- bawal mamatay sa sariling katangahan or ka-curious-an. hal. magvolunteer sa circus, makipaglaro sa leon, tumawid sa highway kesa magoverpass

- bawal ang msyadong matapang. minsan isipin natin hindi natin kaya yan.

- bawal magsama ng iba sa katangahan or magsama ng kukunsinti sa masyado mong katapangan. maging resposanble sa sarili at sa sarili lang sa mga ganyang bagay.

yan! naisip ko kasi, hindi na natin dapat pang mas pahirapan ung iiwan natin.

gusto ko sana kung mawawala ako. yung sakto lang. old age cguro. hindi mahirap pra sakin at hindi rin para sa iba na dahilan. kc shempre laging may dahilan. yun yung paulit-ulit na knkwento tungkol syo. maganda cguro kung maigsi lang yun then change topic na.

ok lang ako kung white or black ang isuot ng dadalaw skn. ayoko ng mahal na kabaong, kung magagawa nga lang nilang DIY, masaya na ko. ayoko ng usual na bulaklak na may sash pero gusto ko ng usual na bulaklak gaya ng roses, carnation or kahit daisies pero mga boquet. pra sweet. ayoko ng solo pic ko for display. gusto ko ng collage ng pictures ko with kahit sino. pwedeng ipadala sa bisita, dnt worry ibabalik. isama nyo na rin ung mga collage ko. gusto kong suot ay isa sa usual shirt at jeans ko lang, kasama ng isa sa relo ko. dapat may relo. kung kaya iwasan ng mga kaibigan ko umiyak mas ok. yung mga naging crush ko or at ung mga special, pwedeng umiyak (haha) masaya sanang malaman kung bakit sila umiiyak. mamimiss ba nila ko? well, shempre mamimiss ko sila. sa mga kaibigan ko, pakisabi na lang sa knila ang mga hindi nila alam. (hehe) ayoko man makita na umiiyak ang nanay, tatay at kapatid ko pero hindi naman mangyayari yun. haha. ok lng ako guys. may mix tape ako, pwede kaya un ang pagtugtugin sa sasakyan at sa burol? maganda naman eh. magpapafilm showing ako kesa sakla or kung ano man libangan. cge, may popcorn na kasama. :)

masayang tumanda at tumagal sa mundo para sa mga nagpapasaya syo. sabi nga ng isang commercial, minsan hindi sapat ang isang daang taon kapag kasama mo ang mga mahal mo.

ilang taon kaya ang aabutin ko?




No comments: