Siguro mas madali kung ang kwento ng lablyf ko ay maging pelikula na lng.
Kahit indie. Kahit di masyado kilala yung artista.
Para maintindihan nyo. Mas madali kesa iexplain ko.
May malapit pero hindi sakto. Malay nyo... sumikat. anyway...
Itong Valentines, inisip ko bakit nga ba ako mag-isa sa araw na to?
Hindi ko alam ang sagot.
Dahil ba.. msayado akong nagttrabaho?
Dahil ba.. hindi ako ngpopost sa instagram or fb?
Dahil ba.. dapat nag-ggym din ako?
Dahil ba.. hindi lang tlga ko maganda? or di man lng ba ko cute?
Dahil ba.. gusto ko lng ng simpleng bagay? dahil ba mababaw lng ako?
Dahil ba.. minsan madali akong magalit?
Dahil ba.. may lakad lahat ng mga kaibigan ko?
Dahil ba.. hindi nman tlga kmi ngcecelebrate ng valentines day pero minsan
gusto ko din.
Andami. Adami kong pwedeng sabihin. Hindi ko nman malalaman ang tunay na
sagot. Kung pwede mo lng kausapin si Universe, si God or kung sino man
para mabigyan ako ng onting direksyon. Makakatulong sana.
I know. I don't have to depend on someone for my happiness pero
minsan kailangan ko din.
Minsan gusto ko din kiligin.
Minsan gusto ko din may magtimpla ng kape ko.
Minsan gusto ko din ipag-drive ako, sunduin ako or ihatid.
Kamusta ba ko?
I-cheer ako sa umaga.
Tanungin yung opinyon ko, kahit di nya gawin.
And... one day..
Yayain ako magpakasal
and maging tatay ng aming mga anak..
Gusto ko maging nanay. Kung pwede nga bukas na or ngaun.
Whoa! Big words.
Big responsibilities.
Yep. Yun. Yun ang gusto ko.
Hindi ko alam if possible pa un.
Asa point ako ng buhay ko na gusto ko sabihin na..
Kaya ko to mag-isa. Ako na lng.
Pero pag naisip ko na mag-isa na lng ako..
Hindi rin naman ako masaya.
Nasira na ata tlga ako ng tuluyan.
Hindi nman ako ganito dati.
Usually alam kong gagawin.
Pero lately, hindi ko tlga alam.
Nahihirapan ako intindihin bakit ganito.
Bakit ako andito..
Sana may dumating.