Friday, June 08, 2012

amazing race

since madalas di ko naman maintindihan si Sir
at for sure wala naman paliwanag kay google
minsan nagtatanong din ako
sa ibang tao
malay ko kung sila may explanation
may times kc na kailangan mo nun eh
anyway, tingin ko kasi magkaugali sila sa parts na yun
baka magkakilala sila nung past life nila (haha)
sabi nya, wag ko naman daw i-off. wag naman akong maging cold.
masakit din daw sa knila kasi invested din sila kahit papano at kung pareho nga sila ng iniisip...
ginagawa nila yun dahil isa pala itong unahan.
kesa maunahan pa raw sila sa paglayo.
hmmm.
medyo malabo ang intindi ko dun pero parang malinaw na rin.
parang ngayon mas nagets ko na sya kahit papano.
may race pala akong nasalihan at huling-huli na ko
pero kung ganun hahayaan ko na lang siya ngayon
ang finish line naman ay start line din
so dito lang muna ako tatambay.
maniwala man sya o hinde,
wala akong lakad.
malinaw yan a. ;)

No comments: