Tuesday, June 05, 2012

mahabang jeepney ride

Sira ang LRT
kaya nauwi sa jeep
byaheng Gil Puyat - Monumento
P20 na pala ang bayad
nagmamadali sana ako makarating ng bahay
pero hinde
andami ko pa sana gagawin
pero hinde
nakinig ako ng radyo para maiba
inabutan ko si Jojo
Si Jojo ay isang guest sa Boys Night Out
sawi sa pag-ibig ang kwento niya
ngayon sikat na sya
laftrip tong si Jojo
may matutunan ka rin sa kanya kahit papano
well ganun lang talaga ang buhay
minsan sira ang LRT ang choice mo ay mag-jeep
minsan magiging radio DJ ka at
taga-payo sa lab kahit hirap ka mag-english
minsan wala ka lang magawa at maiisipan mong tumawag sa radio station para magpacute lang o baka magpapansin
kung ano man ang dahilan para sa mga bagay bagay
wala na tayo dun
gawin mo na ang gusto mong gawin
minsan ayoko ng rin isipin
pigilin natin, paka-busy ka
mag generate ka ng sarili mong fun sabi nga ni Ramon Bautista
itulog mo o kaya itweeter mo si Jojo
sure, wala yan.

(Sa sobrang kaantokan ko kagabi, di ko pala napublish. Wala kong nagawang assignment at late na ko ngayon. Haha.)

May fun sa mahabang jeepney ride.

"Pride goes by if buried, six feet under the ground"

No comments: