Wednesday, August 22, 2012

4:15

Actually kanina pa kong 4:15 nagpapanggap na natutulog, iniisip ko bakit ako gising or hindi inaantok. Since masyadong maaga at may ilang oras pa lng nung humiga ako dito sa sofa, hindi ako bumangon. Haay aantukin ako nito mamaya eh, feeling zombie na naman ako. Pumikit ako, gumilid, umakap sa unan at nag-attempt muli. Fail. Nagrepeat lang yung steps na yun hanggang 5:00. Epic Fail. O cge fine, try nating umupo. Ayos ng bentilador, unan ulit. Di na ko pumikit kasi feeling ko, mas ok kung babagsak na lang ang mga mata ko sa antok, kaso hindi nangyari. Antagal kong nakipagtitigan sa sahig hanggang nagising na si Mommy. 5:30 suko na ko wala ng mangyayari sakin nito. Kumuha na ko ng tubig para sa kape, bukas ng kalan, kumuha ng baso, gatas, asukal, kutsyarita at shempre kape. Nag-check ng pwedeng kainin sa ref, may parang cupcake na may kagat na, malamang si Daddy. Balik sa sofa, di pa rin masyadong gumagalaw. Pagkaraan ng ilang segundo, minuto. Oh well, gising na ko eh. Twitter. Yan! bumilis-bilis ang oras, 6:00. Parang feel ko magsulat kaya ito, 6:31. After 4 days, papasok na ko ulit --- pedicab, jeep, bus, mrt, jeep tapos jeep, mrt, lakad then bus, jeep, pedicab. 6:56

No comments: