Thursday, August 16, 2012

nagsimula ang lahat nung biyernes

surprise!!!
kulang pala ang natutunan ko sa girl scout
hindi ako handa dun
hindi nman ako nagwalkout o ano
nung bigla syang dumating
aaminin kong naiiyak ako
sabay concentrate sa computer para wag bumagsak ang baka bumagsak
wala akong sinagot sa mga tanong nya
wala rin akong kinomment
wala akong nasabi
ayoko ang mga nangyari
pati nung nakasalubong nmin sya ulit
pero sino ba naman ako para masunod tungkol sa mga pangyayari sa buhay ko?
alam ko na to eh
birthday gift nya cguro sakin
infairness
tingin ko kinaya ko naman maging maayos
hanggang makauwi ng 3am
gumana ang auto-ignore
Sabado, Linggo, Lunes ok pa rin
tapos dumating ang Martes ng habagat
yun!
bakit ba nman kasi Universe?
lagi mo na lang akong hinahamon
panandalian lang akong hindi nagpatalo
hindi rin nakatiis, sabi ko nga
para kang isang Gary V song
"Nandyan ka na naman..."
ang labo ko din eh
ang labo!!!!!
pero maraming maraming salamat sa saya na parang walang nagbago ngunit gaya ng nakasanayan,
kailangan ko isipin na isa syang commercial break
na matatapos din paglipas ng mga araw
mawawala din sya ulit
ang life cycle naming dalawa.

mahirap tlga iwasan ang di mo gustong iwasan
pero hindi naman sya cguro impossible.





No comments: