Monday, May 20, 2013

alexander

si tito alex
naghahatid siya ng mga bata sa school
gamit yung tamarraw
na kahit mainit, maingay at matagtag
gusto naming sinasakyan
kasi siguro masaya yung feeling na malaki yung sasakyan
madami siyang jokes na madalas corny
pero nakakatawa sya mag-execute
ayoko dati ung bigote at balbas niya
kasi nakaka-kiliti
pero tuwang-tuwa naman sya na hanggang tumanda kami kini-kiss ko sya
madalas niya ko niloloko tungkol sa cellphone
sa trabaho
sa figure
mga all time hirit na walang kupas.

No comments: