Friday, May 10, 2013

umulan

dahil wala akong payong
tumambay akong opisina
dahil tumambay ako
hindi ako nakauwi agad
dahil hindi ako nakauwi agad
at umuulan pa rin
trapik at blockbuster ang sakayan ng bus
dahil trapik at blockbuster
hindi ako makasakay agad
dahil hindi ako makasakay
may 2 option lng ako na maglakad or mag jeep
dahil wala akong payong
nagjeep ako
dahil nagjeep ako
malayo layo ang lakarin pra sa sakayan
dahil malayo na ang nilakad ko
sumakay na ko sa unang bus na nakita ko
dahil hindi na ko namili
di ko napansin na magpupuno pa ung bus
dahil hindi umalis agad ung bus
nakakita ako ng babae na naglalako ng mani at umaakyat sa bus, girl power ate!
dahil may binili akong takeout 
hindi ako bumili sa kanya

dahil umulan
at wala akong payong
hindi ako nakauwi agad.

No comments: