Saturday, July 14, 2012

Para sa Manila

Maganda pa rin naman ang Manila ngayon
Mas maganda nga lang siya dati
Masaya kung mairerestore nila lahat ng lumang building
Mga lumang tanggapan, tanghalan, sinehan, paaralan, ahensya, simbahan, atbp
Maayos pag may ilaw ang lahat ng kalye
Makakapaglakad ako ng maayos pag gabi
Makakapag-bisikleta
Mag d-drive
Marami rin pala akong alam na daan sa Manila
Malaki, maliit, masikip, malapad
Madaming tao, onting tao
Matrapik, hindi trapik
Madilim, maliwanag, malinis, marumi
Makulay ang daan pauwing Manila
Maaaliw ka kakatingin
Madaming papasok sa isip mo
May matutunan ka sa sandaling pagdaan mo
Mapapangiti ka ng Manila





No comments: