Thursday, July 19, 2012

sumuko ka na

ito ay isa sa mga palaisipan sa isip ko.
ito ay isang entry sa aking drafts na hindi ko mapublish-publish.
ito ang aking pagsuko.

"Sumuko ka na, napapaligiran ka na namin."
gumawa din ako ng design. maganda syang shirt.
bagong taon. dapat bagong buhay.
enero 10, 2012. (after 10 days)

Bro, alam mo naman ung dasal ko.
alam mo na kung anong hindi ko kaya pagdating sa mga bagay bagay ng buhay.
napatunayan na rin natin yun.
ito lang naman ang ipinauubaya ko sa inyo.
kaya ko na yung iba. kaya yan.
mas kailangan kayo ng ibang tao.
pero dito, kailangan ko kayo.

Bro, mali kasi ako ng pagkaka-gets sayo.
akala ko kasi binigay mo si Sir sa'kin.  (ok, malabo. ulit.)
akala ko kasi ibinigay mo sya para din dun.
naniwala ako na ganun. hindi mo ba binulong sakin yun?
feeling ko tama ako. nakuha ko kayo, this time. kaya sabi ko: go! fight!
bakit ganun?
ansaya ko kasi. sobra.
nag-rereplay silang lahat sa akin.
di ako matapos-tapos.
1 taon na. (at 23 days)
mahirap pigilan.
di ko na maintindihan.
ayoko ng tumakbo.
hindi ko na kayang iconvince yung sarili ko na ok ako.
hindi ako ok.
pag hindi ko to tinigilan ngayon,
mas sasakit lang, masakit na nga.
andami ko ng nabuong pangarap.
hindi ko naman na ginagawa yun d b? (bakit ko ba kasi sinimulan ulit?)
ang problema, ako lang yun. selfish.
oo na. kasalanan ko na.
basta tulungan nyo pa rin ako.

Bro, sabihin nyo na rin kung di ba ko talaga para sa mga ganitong ending. para malinaw.
kasi lagi na lang akong mali sa kwento.
hindi nman madaling ulitin from scratch.
yung hatian ng responsibility natin, hindi nyo ginagawa.
andaya nyo.
wala nman akong ibang wish sa inyo simula nun.
kaya sige na Bro, bahala na kayo dito.
Please. Salamat po.

No comments: