Friday, July 20, 2012

si lolo

kanina nakita ko ulit si lolo
gaya ng dati,
nakapolo
khaki pants
tsinelas
tapos may hawak syang papel na pinapabasa sa tao
hindi ko pa din alam kung anong meron sa papel na yun
isang beses nasalubong ko sya sa paglalakad ko sa Shaw
papunta pa lang sya sa pwesto nya
sinundan ko sya sandali
pero nahiya akong harangin sya para magtanong
gusto ko talagang malaman bakit siya nagpupunta dun
bakit sya nagbibihis?
san sya umuuwi?
anong nakalagay sa papel
hindi ba siya nagsasalita?
may anak kaya sya? pamilya? asan na sila?
bakit nila siya iniwan?
ang payat payat na nya,
malungkot ang muka
walang pumapansin. walang gustong magbasa ng papel.
hindi ko alam kung bakit affected ako sa kanya
pero sana nga matulungan ko si lolo.

No comments: