Saturday, October 19, 2019

2008: isang pipi at isang bulag

masisisi mo ba ang bulag kung di nya nakikita ung pipi?
masisisi mo ba ang pipi kung wala sayang masabi sa bulag?

tama bang asahan nung pipi ang bulag?
tama bang asahan ng bulag ung pipi?

buti pa ang bulag, wala syang nakikita kaya wala syang alam, walang naiintidihan, walang paki-alam
di gaya ng pipi na alam ang lahat pro walang masabi at walang masabihan

masaya tignan ang pipi, mas normal
ngunit mas malungkot, mas mahirap
malungkot tignan ang bulag, kakaiba
ngunit mas masaya, mas walang kaba

ganun ang buhay
hinde perpekto
hinde paraiso

humarap ako sa kanya, may isang bulag
humarap ako sa salamin, may isang pipi







No comments: